|
"what's your passion?" buti na lang matagal ko nang kilala ko yung nagtanong nun. dahil kung hindi, natawa na ako nang malakas. absurd kasing makarinig ng mga seryosong tanong lalo na kung galing sa taong hindi mo naman kilala. wala lang. may pagka-prententious yung tanong. parang nagpapaka-deep. ewan ko sa iba, pero ganun ang tingin ko minsan. siguro, depende lang din yun sa nagtatanong. basta. pero kahit hindi ako umimik o sumagot sa "what's-your-passion?" question nya, nag-iisip na ako nang mga sandaling iyon. mahirap atang sagutin ang tanong na hindi mo pa lubusang pinagtuunan ng oras mo. dahil seryoso ang tanong at personal, kelangan din ng seryosong sagot. hindi naman kelangan malaman ng iba ang sagot, ang importante, ALAM KO ANG SAGOT. at iyon ang problema. dahil ang sagot ay hindi pa malinaw. sadyang mailap din. alam ko ang mga bagay na gusto kong gawin at ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin. sabi ni wancho, yun daw yung pag nagawa mo araw-araw, kahit mamatay ka na sa oras na 'yon, okay lang kasi "fulfilled" ka na. hmm. eh, pa'no yun? okay lang sa akin na mamatay na ngayon. as in ngayon na ngayon na. ibig bang sabihin nito, ito na yung passion ko: ang mabuhay? pucha. ang corny naman. haha. |
| Leave a Comment: |